Confessions Of An Admirer
05.

♫ And I don’t know why I can’t keep my eyes off of you. ♫


Every summer may mini - olympics ang org namin. Before the event, I PMed him. I asked him kung pupunta siya at maglalaro. Basketball daw. So, hindi ako nagdalawang isip at nagdecide ng magpunta. 

Late na ako dumating, so expected ko nandun na siya. Halos nalibot ko na ata ng buong sports complex pero ni anino niya wala. So medyo hindi na ako nag-eenjoy kasi sa totoo lang, siya naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagpunta. After ko mag-jog, pumunta ulit ako sa venue ng basketball tournament at umupo malapit sa court side with my friends. Biglang may sumigaw “Oi! Si *insert his name*”. Nung nakita ko siya, hindi ako magkapagreact pero sa totoo lang gusto ko ng umiyak sa tuwa, parang sasabog na ako sa kilig. Akala ko hanggang doon na lang ang lahat na ako lang ang makakakita sa kanya pero dininig ni Lord ang prayer ko na mapansin niya ako. 

04.

Bad news. Last day na nga talaga yun. So ito ako ngayon, miss na miss ko na siya. Iniisip kung kailan ulit kami magkikita. Nakakainis lang kasi alam mo yung feeling na parang ‘di na kayo magkikita talaga?. Idagdag mo pa ang pag-iisip kung totoo ba talaga lahat ng sinabi niya o talagang feelingera lang ako. Everyday ko siyang iniisip. Iniisip niya din kaya ako? :|

Anyway, malapit na ang birthday ko. Di ako nag-eexpect ng mga gifts lalo na galing sa kanya. Pero nag-eexpect ako na sana i-greet niya ako. Kahit yun lang. :) PLEASE?!

03.

(Continuation from 02.)

6th Day : Pagdating ko pa lang sa venue, pasimple ko siyang hinanap. Di ko siya nakita. Pero pag pasok ko sa pinto, *BOOM*! Pa-simple ko siyang tinitigan. Tapos yun nakita na niya ako, at iginanti niya ang smile niyang pamatay (^____________^). Grabe! Before magstart ang talk, naglaro muna. May part sa game na hahawakan mo yung hands ng opponent mo. At first I don’t want to play the game. Ang then bigla siyang lumapit at guess what, hinwakan niya ang hands ko! OMGGGGG!! ♥ 

After all the activities and talks, he approached me and said, “Bakit di ka pumunta?” (basta event yun, he invited me) SHOOT! Napaisip tuloy ako, dapat pala pumunta ako! Kung tutuusin, di ako nag-enjoy this day kasi I think its our last day. Di pa naman official yun, pero sana hindi pa. PLEASE?! :)

02.

Our org organizes a 7-day something like a seminar. He’s one of the organizers. I’m a participant pa lang. 

1st Day : (Di ako umattend)

2nd Day : Wala. Nakita ko lang siya. 

3rd Day : same as 2nd Day.

4th Day : Binati niya ko. Tapos nag-usap sila ng guy friend ko. After ng seminar, kainan na. Food server siya. Kumuha lang ako ng drinks. Tapos pinipilit niya ako na kumuha ng food. Nung dumami yung tao, bigla siyang nagkwento about kung paano kami nagmeet. Alam niyo naman ang guys, maloko so ayun, pinagkamalan daw niya ako na magnanakaw kasi sinusundan namin sila. Hahaha. :)

5th Day : Epic ‘tong araw na ‘to. May group activity nun, so sila na lang ang lumapit para magserve ng food. Madami sila so pinanalangin ko na siya magibigay sa akin. :) Biglang lumapit na yung isang food server sa group namin so naisip ko wala ng pag-asa. :( Biglang lumapit siya sa akin, kasabay sa pagbigay ng food, binigkas ang katagang “Gusto ko, para sa akin ka lang.” OH MAY GAWD! Nginitian ko lang sya. :D Natapos ang seminar. On our way pauwi with my classmates, bigla siyang humarang at nagpaalam. Ako last niya kinausap tapos sabay sabi ng “*insert my name*, ang ganda mo!” Di ko alam kung compliment ba yun o dahil lang sa, nung binati niya ako eh nabanggit ko na maganda ako. 

Next day, ayun admirer na niya ako. Ayoko ng stalker. Hahaha. So ina-admire ko siya sa Facebook. Every notif pinapanalangin ko sa kanya galing hanggang sa ininvite niya ako sa isang event. Among my classmates, ako lang ang nainvite. but I decided not to come. 

So ito ako ngayon, looking forward sa next na pagkikita namin. At mukhang tanga na nag-eexpect na may mangyayari.

01.

Okay. I’ll start narrating OUR story I mean MY story. (ooopps!) 

Part ako ng isang organization sa school. Some universities at U-Belt has this org. Last year, this org celebrated its anniversary at a penthouse. Kasama ko classmates ko papunta dun. Problem is, di namin alam ang way so nagpaturo kami. Sumakay kami sa jeep. Alam namin yung tawag sa lugar pero di namin alam kung baba na ba kami. Kasabay namin sa biyahe ang 3 guys na ito na naka-school uniform. Narinig na kasama ko na dun din sila baba. Napaisip ako. Familiar yung face nung isa so naisip ko baka ka-org namin sila. After 3min, biglang sabi ni Manong Driver, *insert the name of the place*. Bumaba kami pati sila. Hanggang sa nagplan kami na sundan sila. Feeling ko napapansin na nila kami. Sa entrance nagregister sila, so yun ka-org nga namin sila. :) Dumating sa point na “I can’t take anymore” so kinausap ko na sila. At nakilala ko siya. :)